Undas daw.

October 31, 2008

2 am na ako natulog kagabi dahil sa kakachat. Natapos ko din panoorin yung Case Unclosed. Ang topic ay yung kay Bonifacio at Aguinaldo. Ayun. Parehong kwento lang din naman pala, parang Kas 1 lang. Nawindang lang ako nung sinabing mistrial daw yung naganap nun at binaligtad ng isang judge yung decision nung centennial year ni Supremo Andres.

Pagdilat ng mata ko kanina, saktong 10 am. Ang galing, as in saktong-sakto. Eh saktong 2 am din ako natulog eh. Saktong 8 hours ng pagtulog. Haha.

CRS. Close enlistment pero may trick naman para makita kung ano na yung mga nakuha mo. Sa view grades lumalabas na yung mga enlisted classes. Kaya kung wala dun, edi di mo nakuha. Kainis, di ko nakuha yung NatSci. Haha. Umasa pa ako. Pero okie lang, naisip ko kasi n baka icredit naman nila yung Chem 16 ko as MST. Pag ganun, kumpleto na ako ng GE. Wohoo. Majors na lang at mga required courses sa mga susunod na sem. At akalain mo, puede pa pala ako grumaduate on time sa una kong course. Dahil 5 years ang Chem Eng’g, batch 2011 talaga ako. Pag kinaya kong tapusin ang halos 24 courses ng PA within two years, sakto ako sa 2011. Ayun. Sana kayanin. ^_^

Ang gloomy ng panahon kanina. Panakot siguro saken dahil mukhang di ako kinikilabutan ngayong undas. Haha. Ewan ko ba kung bakit ganun. Wala na ata akong pakiramdam. Manhid na. Natatawa na nga lang ako sa mga ipapalabas na nakakatakot sa TV. Naalala ko dati takot na takot ako pag nanonood nung kay Noli de Castro. Haha. Magandang Gabi Bayan ata yung title nun. Basta maganda yung special nila pag undas, yun lagi pinapanood nmin. Pero siyempre bata pa ako nun. Kung ipapalabas yun ngaun, siguro maganda pa din pero di n ganun nakakatakot. Napapanaginipan ko pa nga dati yung mga kwento dun eh. Haha.

Di ko din alam kung maniniwala ako sa kababalaghan. Haha. Isang beses pa lang nangyari saken, pero di ko makakalimutan yun. Haha. Sumikat ba naman sa batch nmin yung misteryong yun eh. Ganito kasi yun. 2ndyear pa kami nun eh. Ayun. Wala kaming klase sa isang subject dun sa pinakabulok na bldg. sa MaSci. Taposung pababa na kami, naghiwalay kami sa dalawang grupo. Yung isa kasi dadaan pa sa retail store. Dun ako kasama sa mga nauna ng bumalik ng homeroom. Ang naaalala ko wala namang kakaiba sa mga kasama ko. Cyempre naunang umakyat sa homeroom yung grupo ko. Maya-maya pagdating nung isang grupo, nagulat sila ng sobra. Bakit daw ako nauna sa homeroom, eh nasa likod daw nila ako naglalakad. Ang freaky! Ang sabi nila, kinakausap daw nila ako nun pero hindi ako sumasagot. Sabi ko naman, eh di naman ako yung kasama nyo. Basta nagkagulo na kami. Tapos nagresearch sila, doubleganger o doppelganger daw. Tapos ang freaky pa ay nung sabihin ng isa sa mga kasama ko na sa kabilang grupo cya sumama. Waah. Ibig sabihin yun double nya yung kasama ko! Hanggang ngayon pag pinagkkwentuhan nmin yung araw n yun kinikilabutan pa din ako. n

Di ko naman pinapangarap maging nakakatakot ang undas ko. Ang boring lang kasi. Sana nga managinip man lang ako ng nakakakilabot eh. Haha. ^_^

Lucky Me.

October 29, 2008

Wirdu. Wirdu talaga.

Lucky Me day ngaun. As in Lucky Me pancit canton. Ilang araw na kong nagpapakasawa sa pancit canton pero ngaung araw ko lang naisipan na magLucky Me day. Baket? Dahil madaming binging tao sa mundo. Parang yung dun sa commercial. Harhar.

At isa pa, achievement ang pagtikim ko ng sweet and spicy na pancit canton kanina. Sikreto kong nilagay yun sa pushcart nung naggrocery kami nung isang araw. Harhar. Wala kasing kumakain ng ganung flavor dit0 sa bahay. Tsaka di din naman ako mahilig sa matamis na pagkain at ulam, dessert lang ang alam kong matamis eh. Ayun. Wirdu ang lasa nya. Di masarap na ewan. Kaya d na uli ako kakain nun. Balik na ako ulit sa hot and spicy. *o*

Naextend na naman ang preenlistment sa CRS. Wala din namang kwenta yun dahil pag tiningnan mo yung available slots, panalo lang kung irratio mo sa demands. At kung tama ang nabasa ko kanina, may 4th run pa daw ang CRS. Gudlak na lang kung makuha ko ang NatSci. Bwisit na MST kasi, kulang pa pala ako ng isa. Pati Stat 101 kailangan pala, kelan ko lang nakita (xalamat kay janjan para sa curriculum ng NCPAG ^_^). Eh wala na ding slots. Okie lang, next sem na lang. 15 units lang ako this sem.

Kaninang hapon habang nagmmerienda ako (Lucky Me syempre), may di inaasahang pangyayari. Laugh trip kasi nilalait naming magpamilya yung drama rama ng GMA. “Una Kang Nging Akin” yun palabas eh. Basta magulo si maldita kid at wirdu si pap (nababaliw na talaga siya). Dun ako kumain sa may center table, tapos nakakalat dun si Heywood (yung PolSci book ko..*evil laugh*). Ayun. Kakalikot ng mga tao at kakatawa ko sa kung anu-anong kabalbalan ng mga palabas ng GMA, natapon yung juice at nabasa si Heywood. Panalo!! Natawa lang ako. Bwahahaha. Orange juice pa naman yun, eh puting-puti yung mga pages ng librong yun. Ngaun, kulay orange na siya. Bwahahahaha. Ewan ko ba, pero tawang tawa lang ako kanina. Bwahahah. Ako kasi yung taong mahal na mahal ang mga libro ko, ayokong nadudumihan o nalulukot yung mga pages kaya iniingatan ko talaga. Lalo na yung mga librong nasa collection ko at yung mga reference books. Kaya nawirduhan din ako kanina sa sarili ko nung di man lang ako nagpanic nung nabasa yung libro.

Haha. Si Heywood kasi yun eh. Madaming masamang alaala. Bwahaha. Sinumpa ata ang librong yun eh. Grabe eh buong September ba naman hanggang end ng sem eh kasama ko yun buong araw. Pero kahit na nagbunga naman ng maganda yung sakripisyo kong yun dahil pasado ako, gigil pa rin ako sa libro na un. Haha. Ewan ko ba kung bakit. Basta alam ko napasaya ako ni Heywood nung nging color orange siya kanina. Bwahaha.