Foolitika

November 30, 2008

Sa mga oras na ito ay 5 hours pa lang ako gising. ‘Di naman sa puyat ako, masarap lang talaga matulog. Gumising ako 12 noon para lang kumain. Pagkatapos kong magbasa nng broadsheet, nakatulog na ako ulit.

Napaisip ako dun sa nabasa ko sa Commentary column sa opinion page ng inquirer kanina. Sa article na iyon, sinasabi ng author na hindi natin magawang kumilos bilang isang bansa dahil hindi natin kilala ang kalaban. Naisip ko, maraming kalaban diyan sa tabi-tabi, sa gobyerno, sa sistemang fool-itikal at maging sa lipunang sibil, pero kung titingnan mong mabuti ang ugnayan ng mga kalabang ito, nag-uugat lamang sila sa iisang pangunahing kalaban na nakaupo sa pinakamataas na pwesto. Parang octopus lang yan, may mga galamay.

Tinalakay din niya ang kawalang aksyon ng mga mamamayan. May mga pagkakataong kilala na natin ang kalaban pero pinipili nating manahimik dahil hindi na tayo naniniwalang may kakayahan tayo para gawin ito. Kung tutuusin kasi, hindi na demokratiko ang lipunang ating ginagalawan. Oligarchy na. Pero naniniwala ako na kung kikilos muli ang mga mamamayan, hindi malayong maibalik ang tunay na demokrasya sa Pilipinas.

Woot. Tama na ang foolitika. Dala lang ito ng sobrang tulog.

Kwentong tsinelas. Grr. Pagkagising ko uli kani-kanina lang, nabwiset agad ako. Wala kasi yung tsinelas ko, tinangay na naman ni maldita kid. Grr. May pagka-OC akong tao, kaya pati tsinelas ko ayokong nadudumihan. At tsaka isa pa, iniingatan ko yung tsinelas na iyon kasi pasalubong ni pap yun. Takte. Mas mahal pa nga sa Havaianas ko yun, kaya nga sa bahay ko lang ginagamit. ‘Di ko trip ichura nung tsinelas na iyon, color blind kasi si pap kaya malamang di nya alam kung anong ulay yun, basta binili nya na lang. Pero dahil nga bigay nya at sayang sap era, iniingatan ko pa din.

Anong oras n ba… Nagsisimula pa lang ang Nov. 30 ko. Epal na naman ang holiday economics. Holiday bukas. Woot.

Eto Nnman.

November 29, 2008

May nabasa akong blog ng kung sino man siya. Dun sa isang entry niya, along with other musings about what might happen if’s, ay napukaw ako ng tanong na ito:

“Paano if one day, after almost insistently telling yourself na he’s really the one, that you’ve finally found someone, someone to share your life, ay bigla na lang aaminin ng jowa mo na he’s gay, na siya ay kabilang sa federasyon ng mga diwata at nais niyang maging sanggre, what would you do?”

Wala lang. No comment. Hindi ako alagad ng discrimination. I tolerate almost anything, gawin mo na lahat basta wag ka lang titikim ng ipinagbabawal na gamot.

Eh di masaya. Buddy-buddy na lang ang drama nyo. Woot. Sisters na kayooo. Aww.