Depression Diaries: Episode 1
January 30, 2009
“The problem with trying to make sense of life is this problem of getting it wrong the first time, of hearing the story differently the second time and wondering how much of the first story you’ve become. How much of what you heard the first time shaped you in a way that is now wrong? And now, being in that wrong shape, are you in any condition to correct things? to fit things into the right place? Or, will you be making those corrections based on another faulty set of assumptions, a permutation of memory?”
–Welcome to My Planet*
*where English is sometimes spoken
Shannon Olson
I guess that I have to admit that I’m still going through the process of making sense of everything that happened, or, perhaps the next stage, which is a lot more confusing. However, the bottom line is, I’m depressed. Still depressed. When you’re trying hard to get everything back on its track and yet the whole thing seems to conspire against you… god, it’s frustrating. It is a lose-lose situation, like going for a call in poker game when you should have folded because the odds are low. I’m getting tired, then and again, of trying to put things together, of moving on, because I know that the problem is still on me.
Nang minsang nagpalda ako ng royal blue, 4 inches below the knee
January 28, 2009
Dahil nainggit ako bigla sa blog post ni abu.
Oh my siomay. Ang sakit sa gums alalahanin ng mga bagay-bagay. Oh well balon (Bakit ba bigla na lang naging ganito ang language ko. Ahem* Language ito ni Nekko)
reminiscing my senior year…
first thing in the morning:
pila sa quad. ang naaalala ko ay ang magugulong pila. katabi ata ng newton ang roentgen (haha. ayaw yata namin sila katabi), nakalimutan ko na yung isa pang section. prayer national anthem panatang makabayan batis ng diwa maynila o maynila. basta harutan in between. naalala ko yung nakuhaan kami ng ID ni sir bangs dahil nagtatawanan daw kami nila rishy ata. pero ang totoo ay di ako kasama. naghikab lang ako at napagutusan ng nasa likod ko na tawagin daw si lardi ata nasa naharapan ata ng pila. basta ganun.
and then the classes:
PINOY. Wahoo. Ma’am. Naalala ko tuloy uli yung drawing ng mga mata nya. I can’t take it. BWAHAHAHA. Inaadjust namin ang orasan, para pagpasok niya mga 7:20 na kahit 7:05 pa lang. Naalala ko din yung sundutan ng pwet habang nagrerecite si JC. BWAHAHAHA. AT nung napagalitan ako dahil lang hindi ako nakasagot sa isang tanong. Sabi nya nasaan na daw ang utak ko. Sabi ko nandun pa rin sa original place. Bwahaha. Memorable din yung paghalik nya sa mga top 10. Buti nlang si Kim ang paborito nyang halikan. Bwahaha.
TLE. Girls ay chikahan while breakfast, ay baking pala, boys sa electronics. Puro pagkain at kadire moments (gulong-gulong da pnirito sa sahig before taste test) ang naaalala ko. Pati na rin ang pagnanakaw namin ng flour ng ibang section. At ang memorable ay yung biglang pumasok si ma’am guidance hinahanap yung mga nambully daw ng 1st yr. Hindi sana kami aamin ni Karyl eh. Pero ayun, umamin na din. Di naman nakakahiya, natawa lang kami. Panalo.
FRENCH. Madame Nauler est stupide. Recitation at exercises with the great book Pil ou face (tama ba spelling?). Bonjour madame…ang french party with the french toast…at ang ZUT! (di ko pa din alam kung yun nga talaga ang meaning nito in english. slang term ata eh). Basta lahat ng kainisinis….ZUT!
COMP SCI. Walang katapusang C+ at kaunting Java ( na di pumasok sa utak ko). Hands-on exercises na group effort naman talaga. May taga-type, may taga-dagdag ng design, at may tagaisip ng program, at siyempre pinaimportante yung taga-bigay ng moral support aka cheerer. Masarap din matulog sa klase na to.
What’s with your LUNCH BREAK. Chaos. Kaingayan. Order sa KFC at Mcdo at Jollibee. Sandamukal na chicken steak. Pauso namin, gumaya lang ang ibang section. LOL. Nakakatawa dahil pag dumating na ang delivery, biglang tumatahimik ang classroom. Kainan na! Tapos tsismisan, gawa ng homework sa adchem, physics, math, fm…. Panghimagas trip sa retail store (Mr. Jiggles at chupachups!!) sabay sagap na din ng tsismis sa mga tao sa paligid. ^^
Magulo ang mga susunod na subject. Di ko na maalala ang sched. Iba-iba yata everyday.
AD CHEM. Chorba ito. “Kulang na lang sabaw at lata, sardinas na kayo…” Go ma’am. Kulang na lang costume reptile (extinct species) ka na eh. Bwahaha. Kamusta na kaya ang baby dinosaur nya..wait, nahatched ba yung dino egg na yun?!? “Maybe, I wasn’t sure” ang sagot. Kaloka.
MAPEH + CAT. Wahoo. Crazy frog dance showdown at field demo lang ata ang makabuluhang ginawa namin dito. Puro sakit sa legs lang ang naidulot ng CAT (dahil hindi namin mapigilan ngumiti tumawa kapag may nabubulol). Sa music naman ay broadway musical, opera, at chorale lang ang naalala ko. Iniisip ko tuloy kung anong ginawa namin sa mga normal lecture days. Nagchismisan lang siguro. Sa health nakakawindang yung tungkol sa mga contraceptives at kung anu-anong gadget na pamatay ng sperm. Hay.
HUMANITIES. Hay boring. Ma’am “Dora the explorer” na dalawang beses mo lang makikitang nakatayo, pag pasok nya at paglabas nya na. The rest of the period ay nakaupo lang siya at nakikipagtsismisan sa mga nasa harap.
Ang mga susunod na subject ay maayos na dahil uniform sched M-Th.
PHYSICS. Sauce. Define siyesta. Ang sarap matulog. Kahit nasa harap ka pa makakatulog ka talaga ng bongga eh. Mabait lang talaga ang adviser namin. Wee. BWAHAHAHA.
MATH. Anak ng tinapa ang klaseng ito. Biglang nagsisiksikan sa harap ang mga tao, pero di pa din nila makikita ang nakasulat sa blackboard dahil nakabalandra ng bongga ang figure ni madam sa harap habang nagsosolve siya. Naglalambitin pa siya sa blackboard, ayun tuloy, one day hindi na kinaya ni blackboard ang pang-aabuso ni madam, bumigay na siya. At nahulog.
ENGLISH. Masaya ang klase na to. Peyborit. Kahit nakukulitan na sa akin si ma’am c. AHAHAHA. Basta siya yung teacher na di ko kayang ibarbero. Haha. Kung isang napakasamang estudyante ko, once a day nagiging matapat ako for one hour. “God is watching us”
Alternate ata ang sched ng susunod na subjs.
FINITE MATH. Si mood swing ang unang teacher dito. Di ko maalala ang pangalan niya, basta siya yung tawa-galit-bruha. Tapos naging “Matrex” Ma’am imaginary swimming creature naman. Ewan ko ba kung anong klaseng dila meron ito. At laugh trip ang nail polish nya na bura-bura o lagpas na within the boundaries of her toe nails. Hay nakow. Dahil 5pm na ang klase na ito, madalas ay nakatakas na ako sa guard kasama ang iba pang puga para bumili ng shake sa may likod ng McDo sa UN.
ECON. Ang pagkakaalala ko, apat o tatlong tao lang sa klase ang nag-eexist kay madam na may bangs na nakuryente. Si enrico, si lowell at si rissa, at ang isa ay kung sino ang mapalad na kilala nya for the day. The rest, it’s either ikaw si katabi, nasa likod, nasa harap ni ano o ang maingay o madaldal na nakita nya. Nung nalapa ng aso ang braso nya at pumalit si uneven ***** with the pen in between, nag-iba bigla ang mga pangalan namin dahil ginago namin ang self introduction. Dito nagmula ang CM. At ang partidong Lakas CMD. At ang batas ng lumiliit na balik (diminishing return). Hay
Pahabol…nakalimutan ko eh!
RESEARCH. Under din ito kay extinct reptile species. Dito pinaguusapan ng mga grupo kung saan ang tungo after the official excused ehem research trip. Abstract, RRL, Methodology, Data… Conclusion: Isang masayang araw na paglalakwatsa knowing we are on an official out-of-the-blue-gate activity.
Sana wala na akong nakalimutang subject…
After class rituals…
Ah…anu nga ba.. Tsismisan. Harutan. Kain sa Jollibee, Mcdo, KFC… Balik sa room para kunin ang gamit at dumiretso sa Rob. Pag normal at walang kwentang araw, maghintay ng matagal at makipagsiksikan sa LRT. Kain sa bahay, kinig sa sermon, nuod ng PBB para sa discussion kinabukasan (haha), and then hit the sack. Panibagong araw ng aral-tsismis-kain-away-bati at panlalait kinabukasan.
Nakakapagod ang senior year. Pero masaya. ^^





